March 26th, 2012

Xian Lim, insecure kay Enrique Gil?

Pilit na pinagsasabong ang mga aktor na sina Xian Lim at Enrique Gil dahil pareho umano silang nanliligaw kay Kim Chiu. Iginiit ni Xian na hindi niya alam ang isyung lumalabas na magkaaway sila ng kaniyang kaibigan na si Enrique. Magkasama ngayon si Xian Lim at Enrique Gil sa isang pelikula na pinamagatang The Reunion. Hindi naman daw nag-aalala ang My Binondo Girl star na si Xian dahil suportado naman niya kung saan masaya si Kim.

Paglilinaw ni Xian, walang dahilan para magkaroon sila ng sama ng loob sa isa’t-isa ni Enrique. Napapabalitang nililigawan din umano ni Enrique Gil ang batang aktres na si Kim. Madalas na ring magkasama si Enrique at Xian dahil kasalukuyan silang nasa workshop ng pagsayaw kung kaya wala silang ilangan. Aminado naman si Xian Lim na hindi nila napapag-usapan ng kaibigang si Enrique Gil ang patungkol sa panliligaw nila sa iisang babae.

Kung tutuusin daw ay barkada talaga ang turingan ng dalawang binata sa isa’t-isa. Kinumpirma naman ni Xian Lim na ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mas maraming kaibigan dahil hindi naman umano ito mahilig lumabas ng bahay. Sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa bagong pelikula kasama si Enrique Gil ay naranasan daw ni Xian na magkaroon ng totoong barkada. Ibang-iba raw kasi ang bonding nilang magkakasama sa The Reunion kung kaya natutuwa siya rito.

Nakilala na rin daw ni Xian Lim ang pamilya ng dalagang si Kim nang inaya siya nito para kumain sa labas. Masaya ang binata dahil tinanggap siya ng pamilya ng dalaga nang maayos. Wala pa namang kumpirmasyon kung tuloy-tuloy pa rin ba si Enrique Gil sa panliligaw niya sa parehong babaeng gusto nila ng kaibigang si Xian. Parehong hawak ng Star Magic ang career ni Enrique  Gil at Xian Lim kung kaya malabo raw na magkaroon sila ng problemang dalawa lalo na at may tinatapos silang proyekto. Kinumpirma naman ni Kim na friends sila ni Enrique. Madalas magkasama ang dalawa sa ASAP pero hanggang text pa lang naman daw ang ginagawa nila ni Enrique Gil at hindi tulad ni Xian Lim na napakilala na ng dalaga sa kaniyang pamilya.