Nikki Gil, enjoy sa kaniyang teleserye

Kontrabida ang role ni Nikki Gil sa afternoon soap ng ABS-CBN na Mundo Man Ay Magunaw at natutuwa siya dahil kakaibang role ang ibinigay sa kaniya. Hindi niya raw maalala kung kailan siya naging masaya sa isang role dahil ito na umano ang isa sa mga pinangarap niyang gampanan bilang aktres. Enjoy na enjoy si Nikki Gil sa pagiging kontrabida niya sa serye dahil kakaiba ito at hindi niya ito laging nararanasan sa totong buhay. Hindi rin daw natatakot si Nikki Gil na bansagang kontrabida kahit hindi na siya umaarte. Pakiramdam ni Nikki ay marami pa siyang pwedeng gawin bilang isang kinaiinisang kontrabida sa Mundo Man Ay Magunaw. Hindi naman nakakaramdam ng takot si Nikki Gil dahil ayon sa kaniya matalino na ang mga manonood kung kaya hindi basta-basta magiging iba ang imahe niya sa TV.

Hindi naman apektado ang hosting job ni Nikki dahil nakakakuha pa rin siya ng mga trabaho bilang isang host. Bukod sa pagiging kontrabida ng serye ay nagagawa pa rin daw umano ni Nikki Gil ang pagkanta kung saan nakilala ang aktres. Suportado rin ang dalaga ng kaniyang nobyong si Billy Crawford at gusto nitong makita ang nobya na magtaray pa sa kaniyang serye. Madalas na ang pagkakaroon ni Nikki Gil ng mga eksena kung saan lagi siyang umiiyak at nagiging kawawa kung kaya namimiss na raw ng nobyo ang pagiging mataray nito na kontrabida. Ngayon ay napapag-aralan na Nikki Gil ang kaniyang role bilang kinaiinisan na karakter sa Mundo Man Ay Magunaw. Nakakatanggap din daw siya ng mga magagandang feedback patungkol sa kaniyang pag-arte at iyon di umano ang nagbibigay motibasyon sa kaniya para mas lalo pang pagbutihin ang kaniyang trabaho.

Ngayong palapit na nang palapit ang araw ng pag-alis ng nobyo ni Nikki ay nakakaramdam na rin naman daw siya ng konting lungkot. Pero paglilinaw ng dalaga, magiging abala din daw siya sa kaniyang panghapong serye kung kaya hindi niya mapapansin ang mga araw na wala ang kaniyang nobyo. Hindi rin nag-aalala si Nikki Gil dahil marami naman umanong hi-tech na paraan para makita niya si Billy kahit hindi ito personal. Masaya namang ikinuwento ng dalaga na habang patagal nang patagal ay makikita na ng tao ang magandang istoryang tinatakbo ng Mundo Man Ay Magunaw at maaaring lalo pa nilang kainisan ang dalaga sa mga darating niyang eksena. Paglilinaw ni Nikki Gil, magandang karanasan at oportunidad ang ipinagkatiwala sa kaniya ng ABS-CBN at hindi niya ito basta-basta ipapasawalang-bahala. Bukod sa pag-arte ay main stay din ang dalaga sa Sunday variety show ng Kapamilya Network bilang singer at host.
