January 23rd, 2012

Nikki Gil Iiwan na ni Billy Joe Crawford

Ngayong 2012 ay tuluyan na ang paglipad patungong United Kingdom ng Pinoy Got Talent host na si Billy Joe Crawford para harapin muli ang naiwang international career. Maiiwan ni Billy ang ASAP 2012 na programa nya tuwing Linggo at ang kanyang longtime girlfriend na si Nikki Gil. Nang makausap ang dalaga, kinumpirma nito na sa kalagitnaan ng buwan ng taon aalis ang kasintahang si Billy Joe Crawford papuntang Europa.

Ayon kay Nikki Gil hindi nya na mapipigilan ang pag-alis ng kasintahan dahil alam naman daw nya na ginagawa nya ito dahil may magandang oportunidad na nag-aantay kay Billy Joe Crawford sa ibang bansa. Noong isang taon napabalitang aalis na sa Pilipinas ang TV Host/dancer pagkatapos ng bagong taon pero nagkaraon ng konting delay kaya mapapatagal pa sya sa Pilipinas. Apat na buwan mawawala ang international star na si Billy Joe Crawford at aminado ang magkasintahan na kinakabahan sila pareho sa magiging status ng long distance relationship nila. Pagbalik ng bansa ni Billy Joe Crawford, tiyak na masisimulan muli ang Pinoy Got Talent matapos ang PBB Unlimited. Kasalukuyan nya ring tinatapos ang pelikulang Moron Five and Crying Ladies sa direksyon ni Direk Wenn Deramas.

Natutuwa naman si Nikki Gil sa bago nyang proyekto sa ABS-CBN na pinamagatang Nagsimula sa Puso kung saan sya ay isang kontrabida. Ayon sa VJ/singer na si Nikki Gil na hindi sya kilala bilang mean girl. Inamin naman ni Nikki Gil na hindi nya papalampasin ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng kanyang network kung kaya’y pagbubutihan nya raw ang iniatang na responsibilidad. Dahil sa hindi nya naman madalas gawin ang teleserye, plano ng dalaga na pag-aralan ang galaw ng isang kontrabida nang makita ng tao kung gaano sya kaseryoso sa karakter. Makakasama ng 24-year old na si Nikki Gil ang mga batikang artista na sina Eula Valdes, Tessie Tomas, Sylvia Sanchez, Pinky Amador at Allan Paule. Ang tanging hiling lang nya ngayon ay ang kamuhian sya ng mga manood ng bagong teleserye dahil alam nyang sa pamamagitan nito makikita kung gaano sya kagaling sa karakter na pinasukan nya.