Gary Valenciano, Paolo Valenciano magsasama sa concert?

Sa darating na concert ni Gary Valenciano ngayong Abril at Mayo ay makakasama niya ang panganay na anak na si Paolo Valenciano. Ayon kay Paolo, halos magkatulad sila ng kaniyanG ama pag dating sa paggawa ng mga konsepto sa musika. Excited na rin si Paolo Valenciano sa nalalapit na concert ni Gary Valenciano dahil siya ang magiging direktor nito. Naging matagal umano ang collaboration sa pag-iisip ng mga magiging performances ni Mr. Pure Energy dahil gusto nilang magkaroon ng kakaibang resulta ito.
Natatawa si Paolo nang ikuwento niya na pagdating sa creative aspect ay nagkakasundo sila ng amang si Gary V dahil parehong mahal ang mga naiisip na ideya. Nahirapan umano si Paolo Valenciano at Gary Valenciano na limitahan ang kanilang mga sarili pagdating sa mga ideya dahil nagreresulta lang ito sa malaking gastos

Karamihan sa mga ideya ay nanggaling sa pinagsamang konsepto nina Gary at Paolo. Madalas din umanong magustuhan ng kaniyang amang si Gary Valenciano ang kaniyang mga naiisip na pakulo kung kaya lalong ginaganahan si Paolo Valenciano na makipagtrabaho sa sariling ama. Espesyal ang magiging concert series ni Gary V dahil eto ang magiging selebrasyon ng ika-29 taon ng Mr. Pure Energy sa industriya. Pagdating sa kaledad at pagpili ng mga detalye na gagawin sa concert ay madalas magkasundo ang mga-ama. Sa ganitong paraan ay mas napapadali raw ang kanilang trabaho kung kaya wala masyadong nagiging problema sa trabaho at personal na pagsasama ng dalawa.
Ang hamon ngayon kay Paolo Valenciano ay makapag-isip ng magandang konspeto kung saan magkakaroon ng bagong maio-offer si Gary Valenciano habang napapanatili nito ang kaniyang tatak bilang Gary V. Lumaki si Paolo na napanood ang lahat ng concert ni Gary dahil nga ama niya ito. Ang malaking naging issue kay Paolo Valenciano ay kung paano raw siya gagawa ng isang mas bago at mas personal na concert. Ayon pa kay Paolo, inilalagay niya ang kaniyang sarili bilang isa sa mga audience ni Gary Valenciano. Ipinagmalaki naman ni Paolo Valenciano sa mga fans ng ama na bagong-bago ang konsepto na naisip nila na sigurado raw na ikatutuwa ng younger generation.

Bagong mga musikero rin ang makakasama ni Gary sa concert. Ang set na mayroon ngayon si Gary Valenciano ay ang set na hindi niya pa nagagawa. Mas bata ang makakasama ni Gary sa pag-perform sa entablado at pati ang mga style kasama ang areglo ay may kakaibang dating. Aminado si Paolo Valenciano na nakipagsapalaran din siya sa ginawa niyang mga ideya sa concert ng amang si Gary Valenciano. Kumuha rin sina Paolo ng mga lumang kanta ni Gary V na hindi pa naririnig ng mga tao. Bilib na bilib din si Paolo Valenciano sa mga awitin ni Gary Valenciano dahil ayon sa kaniyang opinyon ay magugustuhan din ito ng mga kaedad niyang kabataan.
