February 20th, 2012

Gab Valenciano, kasintahan na nga ba si Coleen Garcia?

Gaano katotoo ang balitang si Gab Valenciano at Coleen Garcia ay nagkakaigihan na?

Ayon sa binatang aktor magkaibigan lamang sila ni Coleen at inaming na nasa “getting to know you” stage pa lamang. Inamin ni Gab Valenciano na lumalabas nga sila ng Showtime host na si Coleen Garcia. Naikwento ni Gab Valenciano sa press na ang paglabas nila ni Coleen Garcia ay hindi nangangahulugan na kasintahan na niya ang dalagang TV host/actress.

Napabalitang naghiwalay si Isabel Oli at Gab Valenciano noong nakaraang buwan.  Umugong din ang balitang hirap magmove-on si Isabel sapagkat si Gab ang nakipag-break sa kaniya at na nagseselos diumano si Isabel Oli nang mabalitaan nito ang paglabas nina Coleen Garcia at Gab Valenciano. Ayon sa binata, hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng dating kasintahan. Sumabay din ito sa pinagdadaanang pagsubok ni Isabel. Napabalita nga na ang ama ni Isabel ay nagdurusa ngayon sa cerebral degenaration kung saan ito ay na-comatose.

Para kay Gab Valenciano magkaiba sila diumano ng pananaw sa buhay. Si Isabel diumano ang babaeng sobrang seryoso sa isang relasyon at hindi ito maibigay ni Gab. Para sa kaniya, napakabata pa niya at naguumpisa pa lamang ang kaniyang career para mag settle down, hindi raw ito ang nakikita niya para sa kanilang dalawa. Sabi din ni Gab Valenciano, na ang lalaking nararapat para kay Isabel ay ang lalaking handa siyang pakasalan.

Sa ngayon nga ay maugong na naman ang nababalitang paglabas ng TV host/actress na si Coleen Garcia at Gab Valenciano. Tinanong si Gab Valenciano kung ano nga ba ang tunay na estado ng kanilang relason, at mabilis na sinagot ni Gab Valenciano na sila ay magkaibigan lamang. Hindi itinanggi ng binata na madalas silang nagkikita ni Coleen. Pinasinayaan din ni Gab Valenciano ang balitang nanood sila ni Coleen ng basketball game kamakailan lamang. Paliwanag ni Gab na lumalabas sila ni Coleen ngunit may kasama din silang ibang mga kaibigan.

Nang tanungin si Gab Valenciano kung nanliligaw ba siya kay Coleen Garcia, ay dali daling sinabi ng binata na hindi pa siya ready makipag-relasyon sa kadahilanan na kakabreak pa lang nila ni Isabel. Ngunit inamin ng binata na isa si Coleen Garcia  sa mga pinaka-malapit na babae sa kaniyang buhay ngayon. Hindi rin siya nagmamadali at ineenjoy lang nila ni Coleen ang kanilang pagiging magkaibigan.

Masayang sinabi ng binata na palaging nariyan si Coleen Garcia para sa kaniya. At ganon din naman daw si Gab Valenciano para kay Coleen Garcia. “Coleen has been really awesome when it comes to being there for me. And I always make it a point na whenever we’re hanging out together, hindi siya yung posibilidad na may romantic na mangyayari. We eat, we just chill out, sometimes we just walk and talk about the most random things,” ayon kay Gab Valenciano.