Erich Gonzales, Enchong Dee magkagalit?

Matapos ang teleserye ni Erich Gonzales at Enchong Dee na Maria la Del Barrio ay inamin ng aktres na magkaibigan pa rin naman daw sila ng batang aktor. Napabalita noon na hindi raw talaga magkasundo si Erich at Enchong kahit na magkatambal sila na agad namang pinasinungalingan ng dalawa. Matatandaang matapos umano ang isang eksena ng serye ay hindi na raw nagpansinan ang dalawa.
Pag-amin noon ni Erich Gonzales, magkaibigan sila ni Enchong Dee pero hindi sila masyadong malapit sa isa’t-isa dahil magkaiba sila ng mga kaibigan. Sa ngayon ay hindi muna magkakatrabaho si Erich at Enchong dahil may kaniya-kaniya pa silang mga proyekto na dapat gawin. Hindi naman daw ibig sabihin ng pagkakahiwalay nila ng trabaho ni Enchong Dee ay hindi na sila magkaibigan.
Inamin naman ni Erich Gonzales na namimiss niyang makatrabaho ang aktor. Kahit na hindi muna sila gagawa ng teleserye ni Enchong, makikita pa rin naman ang dalawa sa ASAP. Kasalukuyang abala si Enchong Dee sa kaniyang pelikula kung saan ipapareha siya sa ibang aktres. Sinigurado naman ni Erich Gonzales na makakatrabaho niya pa rin ang aktor pero tumangging magbigay ng impormasyon kung kailan at ano ito. Aminado naman ang 21-taong-gulang na aktres na matapos niya makipagtrabaho kay Enchong Dee sa dalawang Kapamilya serye ay nagkaroon na sila ng magandang pagkakaibigan kahit wala sila sa harap ng kamera. Bukod sa pagiging magkatrabaho ni Erich Gonzales at ng binata ay mayroon daw silang pinaghahawkan na pagkakaibigan.

Napansin naman daw ng batang aktres kung gaano na nag-improve ang pag-arte ng kaniyang on-screen partner. Ayon kay Erich Gonzales, nag-mature na ang pag-arte ni Enchong Dee matapos nilang gumawa ng iba’t-ibang proyekto na magkasama. Hindi naman daw nawawala kay Enchong ang hilig nito sa panonood ng DVD kapag may bakanteng oras sa taping at ang hilig nito sa pagkain. Sa ngayon ay hawak ng management ng Star Magic kung anong proyekto ang ibibigay sa kanilang dalawa. Sigurado naman daw si Erich Gonzales na hindi ito ang huling pagsasama nila sa isang serye. Sa ngayon ay abala ang dalawa sa mga solo projects nila.
Ngayon ay balak ni Erich na bumalik sa eskwela na iniwan niya pansamantala nang magsimula siyang mag-taping ng Maria la Del Barrio. Ipinangako kasi ni Erich Gonzales sa kaniyang pamilya at sarili na tatapusin niya ang kaniyang pag-aaral kahit ano pa ang mangyari. Ngayong pahinga na ang aktres sa paggawa ng pelikula kasama si Enchong Dee ay umaasa siya na sana ay makasundo niya rin kung sino man ang susunod na i-pares sa kaniya. Nagpahayag din ang dalaga na gusto niyang gumawa ng action project at umiwas na raw muna sa mga pa-cute na roles.
- Angela
