February 27th, 2012

Annabelle Rama kinasuhan ng libel si Ynna Asistio

Nagsamapa sa Makati Regional Trial Court kamakailan lang si Annabelle Rama ng 20-million libel case laban sa kaniyang talent na si Alynna Alexandra Asistio na kilala bilang Ynna Asistio. Matatandaang may pending pa na kaso si Annabelle sa ina ni Ynna na si Nadia Montenegro. Iginiit ng manager na si Annabelle Rama na walang katotohanan ang akusasyon sa kaniya ni Ynna Asistio na ibinugaw umano niya ito.

Ang eight-page sworn complaint-affidavit ni Annabelle ay nagsalaysay ng puno’t dulo ng desisyon niyang pagsampa ng libel case kay Ynna. Nang kinunan noon ng statement si Ynna Asistio patungkol sa isyu ay sinabi niya raw na pinapasuot sila ng maiikling damit ni Annabelle Rama kapag humaharap sa mga tao at kapag may special occasions tulad nang minsang birthday ng mga pulitiko.

Dagdag pa ng dalaga ay mayroong okasyon kung saan isinama sila ng manager sa Cebu at ipinakilala sa mga bisita bilang may edad na at mga single pa umano. Simula raw ng insidenteng iyon ay iniwasan na nilang sumama rito. Sa nasabing sworn complaint-affidavit ni Annabelle Rama ay dito niya ipinaliwanag na walang basehan ang mga nasabi ng magkapatid na Asistio.

Ang 20-million pesos ay para sa moral at exemplary damage ng mga sinabi ni Ynna Asistio dahil naapektuhan umano ang ang reputasyon at pati pamilya ni Annabelle. Matatandaang kinasuhan ng ina ni Ynna Asistio na si Nadia Montenegro ang manager ng dalaga ng child abuse. Samantalang nagdemanda naman si Annabelle Rama laban kay Nadia ng kasong theft dahil umano sa pagbenta nito ng kaniyang mga ari-arian nang hindi nagpapaalam ng ina ng kaniyang talent.

Bago ang naganap na pagsampa ni Annabelle ng libel case kay Ynna ay nagsampa rin ng kasong unjust vexation ang ina ng dalaga laban sa anak ni Annabelle Rama na si Richard Gutierrez. Ayon sa ina ni Ynna Asistio nagpadala umano ng bastos na text message sa kaniya si Richard. Dagdag pa ni Nadia maraming makakapagpatunay na si Richard nga ang nagtext sa kaniya. Aminado siya na sobra-sobra na raw ang ginagawa sa kanila dahil nabastos na raw ang anak niyang si Ynna Asistio at pati raw siya binabastos din sa text.