Aljur Abrenica, Rachelle Ann Go may relasyon?
Isa umanong espesyal na relasyon ang namumuo sa pagitan ng aktor na si Aljur Abrenica at singer na si Rachelle Ann Go. Naging malapit ang dalawa nang sila ay magkita sa US para sa isang show ng GMA Pinoy TV noong June sa California at New York. Ito rin umano ang pagkakataon para mas makilala ni Aljur ang dalagang si Rachelle Ann. Sila lang umanong dalawa ni Rachelle Ann Go ang naiwan mula sa kanilang grupo na nag-perform sa New York dahil pareho silang may show sa Carson, California. Nagkaroon din umano si Aljur Abrenica na makapasyal kasama ang dalaga sa New York kung saan nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-bonding.
Naikuwento rin ni Aljur na namasyal sila ng singer kasama ang kanilang handlers sa isang Broadway musical at nakapag-dinner pa pagkatapos. Pareho naman daw nag-enjoy si Aljur Abrenica at si Rachelle Ann Go dahil first time nilang makapanood ng musical sa Broadway. Naging mas malapit na rin daw ang dalawa sa isa’t-isa matapos ang kanilang adventures sa ibang bansa. Ang isa sa naging magandang usapan ng dalawa ay ang patungkol sa kanilang relihiyon. Kilalang Christian si Rachelle Ann samantalang Katoliko naman si Aljur.
Nagkainteres naman daw si Aljur Abrenica sa relihiyon ng dalaga at napakinggan ang mga kuwento nito. Pareho rin daw kasing relihiyoso ang kani-kanilang mga pamilya at marami rin silang paniniwala pagdating sa kanilang relihiyon. Naging curious lang din umano si Aljur kung ano ang pinagkaiba ng pagiging Christian ni Rachelle sa isang Katolikong katulad ng hunk actor. Naniniwala raw si Aljur Abrenica na iisa lamang daw ang Diyos na pinaniniwalaan nila ni Rachelle Ann Go kahit pa iba ang kanilang relihiyon.
Hindi rin nila napag-usapan ang patungkol sa showbiz at lalo na kung sino ang mga nauugnay sa kanilang mga pangalan. Aminado naman si Aljur na nahihiya siya noon batiin ang dalaga kapag nagkakasabay sila sa rehearsals ng Party Pilipinas. Nahihiya raw siya kay Rachelle Ann Go dahil dahil galing pa raw siya sa ibang network noon. Masasabi ng binata na magkaibigan na sila ng dalaga dahil nagagawa na rin daw nilang mag-text sa isa’t-isa at magkamustahan sa kani-kanilang mga trabaho. Parehong single ang dalawa kung kaya wala naman daw masama kung maugnay silang dalawa.
Mas gusto pa umanong makilala nina ni Aljur Abrenica ang Kapuso singer kung kaya at kinumpirmang hindi niya umano basta-basta papasukin ang panliligaw dito. Natatakot lamang daw si Aljur at baka may makasabay siya sa panliligaw kay Rachelle kung kaya makikiramdam lamang muna daw siya. Umaasa rin si Aljur Abrenica na makasama muli si Rachelle Ann Go sa iba pang show dahil alam niyang mas kumportable na umano sila sa isa’t-isa. Balak din daw niya yayain ang kaibigan kapag maganda na pareho ang kanilang mga schedule.
