May 21st, 2012

Jolina Magdangal, buntis na ba?

Ilang buwan na ang nakakaraan nang ikasal sina Jolina Magdangal at Mark Escueta kung kaya inaasahan na ng marami ang pagbubuntis ng aktres. Hindi rin daw makapaniwala si Jolina at asawang si Mark na ilang buwan na pala silang mag-asawa. Ayon kay Jolina Magdangal, puno ng ligaya at kilig ang pagsasama nila ngayon ng asawang si Mark Escueta. Bukod sa pagkakaroon ng anak ay prayoridad din ng dalawa na magkaroon ng kanilang sariling tahanan. Matagal na umano itong balak nina Jolens at Mark bago pa sila ikasal. Gusto raw kasi ni Jolina Magdangal na magkaroon ng bahay na may garden at backyard para raw doon sila tumambay ng kaniyang pamilya.

(more…)

May 21st, 2012

Angeline Quinto, Coco Martin naghalikan

Sa unang pagsabak ni Angeline Quinto sa pag-arte ay nagawa niyang halikan ang magaling na aktor na si Coco Martin. Ngayong malapit nang ipalabas ang Born To Love You ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Angeline at Coco ay lalo umanong nakakaramdam ng kaba ang dalaga. Ang nasabing pelikula ay ang maglulunsad ng acting career ni Angeline Quinto. Aniya, maswerte umano siya dahil kahit baguhan pa lang sa industriya ay nabigyan na siya ng pagkakataon na makatrabaho ang isa sa pinakamagaling na aktor sa bansa na si Coco Martin. Bata pa lang si Angeline ay pangarap niya nang maging singer at ang pagiging artista umano ay isang malaking bonus na lang sa pagpasok niya ng showbiz.

(more…)

May 21st, 2012

Karylle, Yael Yuzon engaged na?

Sa naganap na launch ng singer-host na si Karylle bilang bagong endorser ng alahas ay nabanggit niya kung ano ang kaniyang gustong engagement ring kung sakaling bigyan na siya nito ni Yael Yuzon. Ayon kay Karylle, umiiwas lang daw siya na mabigyan ng singsing na hindi masuwerte. Mas gusto umano ni Karylle ng isang simpleng singsing hindi katulad ng binigay sa kaniya noong ng dati niyang karelasyon na nagsilbi atang malas sa kanilang pagsasama. Matagal nang napapabalita na may relasyon si Karylle at ang miyembro ng banda na si Yeal Yuzon pero hindi pa rin ito kinukumpirma ng dalawa.

(more…)

May 21st, 2012

Phil Younghusband, Angel Locsin bumida sa Toda Max

Kamakailan lang ay nakita si Phil Younghusband sa telebisyon pero hindi para sa laban ng Azkals kundi para umarte kasama ang nobyang si Angel Locsin. Ito ay nangyari sa set ng Toda Max na pinagbibidahan nina Robin Padilla , Vhong Navarro at nobya ng Fil-Brit na football player. Ayon kay Phil, nasiyahan siya sa kaniyang guesting sa nasabing sitcom ng kaniyang nobyang si Angel. Ito kasi ang unang pagkakataon na napasabak si Phil Younghusband sa pag-arte. Lalo naman daw humanga ang binata kay Angel Locsin dahil sa kinabibilangan nitong kapaligiran.

(more…)

May 21st, 2012

Sharon Cuneta, Eric John Salut may away?

Muli na namang gumawa ng ingay ang mundo ng Twitter nang magkaroon ng emosyonal na Tweet si Sharon Cuneta laban sa ABS-CBN executive Eric John Salut. Nagsimula ito sa tweet ng executive na alam niya umano kung kaninong fans ang bitter sa tagumpay ng pelikulang Every Breath U Take na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Piolo Pascual. Isang Twitter user ang nag-react sa sinabi ni Eric at sinabing kilala niya rin umano kung sino ang mga bitter na fans ng mag-inang KC Concepcion at Sharon Cuneta. Sumunod dito ang sagot ni Eric John Salut na kaya niya raw umanong ilabas ang baho ng mga idolo ng Twitter user. Hindi nagtagal ay nakarating kay Megastar ang kaguluhan sa social networking site.

(more…)

May 18th, 2012

Jake Cuenca, Lovi Poe may relasyon?

Marami an nagulat nang sabihin ni Jake Cuenca sa harap ng kamera na ang isa sa pinakamagandang pangalan para sa kaniya ay ang pangalan ni Lovi Poe na ang totoong pangalan na Lourdes Virginia. Sa isang panayam sa aktor na si Jake ay nabanggit nito na bukod sa kaniyang ina  ay binaggit niya rin ang tunay na pangalan ng aktres na si Lovi bilang isa sa mga magandang pangalan na alam niya. Hindi itinanggi ni Jake Cuenca na maganda sa loob at labas ang pagkatao ng babaeng kasalukuyang espesyal sa kaniyang buhay na si Lovi Poe.

(more…)

May 18th, 2012

Luis Manzano, Jennylyn Mercado walang paki sa mga dating karelasyon

Parehong naging makulay at makontrobersyal ang mga nakaraang relasyon nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Ayon kay Luis, hindi naman daw nila pinagbabawalang dalawa ang isa’t-isa na usisain pa ito dahil naniniwala ang binata na hindi na ito kailangang pag-usapan pa. Ang relasyon umano nina Luis at Jennylyn ay fresh start na para sa kanilang dalawa na parehong dumaan na rin sa ilang relasyon. Para kay Luis Manzano wala raw problema sa kaniya ang mga taong minahal noon ni Jennylyn Mercado dahil naniniwala siya na minahal naman daw ang dalaga ng mga taong naging parte ng buhay nito.

(more…)

May 18th, 2012

Xian Lim, hihintaying maging handa si Kim Chiu sa relasyon

Abot langit ang kasiyahan ng binatang si Xian Lim kapag napapangiti niya raw ang napapabalitang nililigawan na si Kim Chiu. Hindi naman umano pinipilit ni Xian ang dalaga na sagutin siya dahil sa mga pinapakita nitong espesyal na atensyon. Kuntento na raw si Xian Lim na napapansin ni Kim Chiu ang kaniyang mga effort para siya ay mapasaya. Aminado naman ang dalaga na lalo pa silang naging close ng aktor ngayon. Ayon naman kay Xian, panget umanong umabot sa puntong kailangann niyang tanungin si Kim patungkol sa estado ng kanilang relasyon.

(more…)

May 18th, 2012

Coco Martin, Angeline Quinto may relasyon?

Hindi itinanggi ng aktor na si Coco Martin na may nabuo na silang kakaibang relasyon ng singer na si Angeline Quinto dahil sa kanilang pelikulang Born to Love You. Ito ang unang pagkakataon na magtatambal si Coco at Angeline sa pelikula kung kaya parehong excited ang dalawa sa kanilang bagong proyekto.

(more…)

May 18th, 2012

Maja Salvador, Matteo Guidicelli break na?

Matapos ang nangyaring iskandalong pinagdaanan nina Maja Salvador at boyfriend na si Matteo Guidicelli ay nabanggit ng dalaga sa isang panayam na hindi niya na alam kung saan na patutungo ang kanilang relasyon. Matatndaang noong nakaraang Star Magic Ball ay nagkaroon ng gulo sa pagitan ng binatang si Matteo at Coco Martin na noon ay on-screen partner ng dalagang aktres na si Maja. Nilinaw naman ni Maja Salvador na masayang-masaya sila ngayon ni Matteo Guidicelli dahil naayos na ang kanilang mga problema at nananatiling maganda ang samahan nilang magkasintahan.

(more…)

Page 1 of 42